United States or Uzbekistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Natátacpan ang canyáng noo't ang canyáng buhóc n~g carumaldumal na pusalì, puspos n~g m~ga sugat at m~ga galos ang canyáng mukhâ, ang catawa'y basâ at tumutulò, n~g siyá'y sumipót sa m~ga matá n~g caramihang hindi umíimic; pinapan~gán~galigkig siyá sa guináw n~g han~gin. ¿Ibig mo bang magsaysáy? ang sa canyá'y caniláng itinanóng.
¡Dios co! ang bigláng sinabi ni Ibarra. «Ganyán din marahil ang bigláng sinabi n~g aking amá, ang ipinagpatuloy ni Elías n~g boong calamigán n~g loob. Pinagputolputol n~g m~ga tao ang manghaharang at inilibíng ang catawán, n~guni't ang m~ga sangcáp n~g catawá'y canilang isinabog at ibinitin sa ibá't ibáng m~ga bayan. Sacali't cayó po'y macapaglacbay isáng araw mula sa Kalamba hanggáng sa Santo Tomás, masusumpun~gan pa po ninyó ang cahoy n~g duhat na pinagbitinan at kinabulucán n~g isáng hit