United States or South Georgia and the South Sandwich Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sinisintá co ang ating kinamulatang lupang gaya rin n~g pagsintáng magagawa po ninyo, Elías; nawawatasan co n~g caunti ang inyong han~gad, narin~gig cong magaling ang inyong sinabi, at gayon man, caibigan co, aking inaacalang pinapag-uulap n~g caunti ang ating isip n~g casilacbuhán n~g loob; dito'y hindi nakikita ang pan~gan~gailan~gan n~g m~ga pagbabagong útos, na marahil magaling sa m~ga ibang lupaín.
Datapuwa't matututo acong ipanghiganti co cayó sa pamamag-itan n~g apoy, n~g dugo at n~g aking sariling camatayan! Ang culang palad na amá, sa casilacbuhan n~g canyáng pighati, nalabnot ang bigkis n~g ulo, at dahil sa gayo'y nabucsan ang sugat sa noo, at doo'y bumalong ang isáng batisang dugo.
Inalintana co, gayon man, ang lahat n~g ito, at acong ama, aco, na siniraan n~g puri sa aking catandaan, aking ipinatawad ang caalimurahan, ipinagpaumanhin co ang casilacbuhan n~g cabataan at ang m~ga carupucan n~g catawang lupa, at sa casiraang iyong hindi na mangyayaring maisauli, ¿ano ang dapat cong gawin cung di ang huwag n~g umimic at iligtas ang nalabi?