United States or Brunei ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapuwa't matututo acong ipanghiganti co cayó sa pamamag-itan n~g apoy, n~g dugo at n~g aking sariling camatayan! Ang culang palad na amá, sa casilacbuhan n~g canyáng pighati, nalabnot ang bigkis n~g ulo, at dahil sa gayo'y nabucsan ang sugat sa noo, at doo'y bumalong ang isáng batisang dugo.

Nalalaman mo, sa pagca't nan~gagcacawan~gis ang ganitong m~ga pahirap sa lahat n~g m~ga bayan. ¡Aking nakita, nakita co ang aking anac na nacabiting ang tali sa canyang sariling buhoc, narin~gig co ang canyang m~ga sigaw, aking narin~gig na aco'y canyang tinatawag, at aco, sa aking caruwagan at palibhasa'y namarati aco sa capayapaan, hindi aco nagcaroon n~g catapan~gang pumatay ó magpacamatay caya! ¿Nalalaman mo bang hindi napatotohanan ang pangloloob na iyon, napaliwanagan ang bintang, at ang naguing parusa'y ilipat sa ibang bayang ang cura, at ang aking anac ay namatay dahil sa m~ga pahirap na guinawa sa canya? ¡Ang isa, ang nalalabi sa akin, ay hindi duwag na gaya n~g canyang ama; at sa catacutan n~g tacsil na nagpahirap na ipanghiganti sa canya ang pagcamatay n~g canyang capatid, guinamit na dahilan ang cawal-an n~g "cedula personal" na nalimutang sandali, piniit n~g Guardia Civil, pinahirapan, guinalit at pinasamang totoo ang loob sa casalimura hanggang sa siya'y mapilitang magpacamatay!

Kinamot ni Lucas ang ulo, hinila ang baro at muling nagsalita: Tunay n~gang cayo'y aking nakikilala; cayo'y si Tarsilo at si Bruno, m~ga cabataan at malalacas. Talastas cong ang matapang ninyong ama'y namatay dahil sa ibinibigay sa canyang isang daang palo sa araw araw n~g m~ga sundalo; alam cong hindi ninyo iniisip na ipanghiganti siya ...