United States or Christmas Island ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isinasapan~ganib co n~g boong galác ang aking búhay-upang aking mailigtas ang lubhang maraming m~ga walang malay-sala: ang lubhang maraming m~ga pamangkin, ang lubhang maraming m~ga sangól n~g m~ga caibiga't hindî caibigang nan~gagcacahirap dahil sa akin. ¿Anó acó? Isáng táong nag-íisa, walang familia hálos, nilagoc, na n~g búhay ang lubhang mapait na m~ga carayaan n~g mundo.
Tumun~gó si Elias, nagdilidili at muling nagsalita: Ibig cong iligtás cayó sa carayaan, guinoo, at ilihís co sa inyó ang isáng malungcót na pagsasapit sa panahóng hináharap. Inyó pong alalahanin ang pakikipag-usap co sa inyó sa bangca ring itó at liwanag nitó ring buwang itó, na may isáng buwan na n~gayón, humiguit cumulang; sumasaligaya cayó niyón.
Salita Ng Araw