United States or Bhutan ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~g magcagayo'y humalili naman sa pagpaparoo't parito sa caida si pari Salví, na naggugunamgunam ayon sa dati niyang caugalian. Isang tinig na sa canya'y nagbibigay n~g magandang araw ang siyang nagpahinto n~g canyang capaparoo't parito: tumunghay at ang nakita niya'y si Lucas, na sa canya'y bumati n~g boong capacumbabaan. ¿Anó ang ibig mo? ang tanong n~g m~ga matá n~g cura.