United States or France ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ihanap mo ang iyong bayan n~g República, yaon bagang ang lahat na nagpupuno ay palagay n~g man~ga namamayan, at huag mong payagan cailan man ang Monarquía ang pagcacaroon baga nang hari; sa pagcat ualang binibigyan ang hari nang camahalan cundi ang isa ó ilan lamang na maganac upang maitanghal ang sarili niyang camaganacan, na siyang pangagalin~gan nang lahat na maghahari; hindi ganito ang República na nagbibigay n~g camahalan at carapatan sa lahat ayon sa bait n~g bauat isa, nang pagcadaquila alangalang sa caluagan at calayaan at n~g casaganaan at cadilagang tinataglay n~g casipagan.
Sa pagca't icao lamang ang tunay na macapagmamasaquit sa caniyang icadadaquila at icatatanghal, palibhasa'y ang caniyang casarinlan ang siya mong sariling caluagan at calayaan, ang caniyang pagca daquila ang magdadala sa iyo n~g lahat mong cailan~gan at ang caniyang pagcatanghal ang siya mong cabantugan at cabuhayang ualang hangan. Icapitó.
Salita Ng Araw