United States or Afghanistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nakita siya kinabucasan n~g alférez, at sa pagcaibig na siya'y maipan~gilag sa ano mang casacunaan sa m~ga araw na iyon n~g caguluhan, at sa caayawan namang huwag magcaroon n~g ano mang hindi calugodlugod panoorin, ipinagbilin n~g alférez sa m~ga sundalong alagaan si Sisa, caawaang pagpakitaan n~g maguiliw na calooban at pacanin.