United States or Nepal ? Vote for the TOP Country of the Week !
May tumauag sa aquin at nang mapa compisalán co, itong caaua-auang babaye; n~guni, ¡oh masamang capalaran! Hindi na nacapan~gusap, at di co naman naquitaan nang tandang pagcacaquilanlan nang caniyang pagsisisi. Ito, Urbana, ang nacayanan nong sinipi sa man~ga casulatan na man~ga santong hatol, na ucol cay Feliza, sa iguinagayác nang loob na pagtangáp nang Santo Estado. Paquinaban~gan na na niya.
Sa pagdarasál niya, di caguinsa-guinsa,i, naquita ang Niño, na punó nang sugat at tumutulo ang dugo. Sa naquitang ito,i, ¿ano caya ang mangyayari sa caaua-auang macasalanan? Pinasucan nang malaquing tacot, at nang mapag dili dili na ang man~ga casalanan niya ang sumugat sa canyang Pan~ginoon ay nahambál ang puso, tumulo ang luha sa mata, lalo na nang maquita na siya,i, tinalicurán nang Niño.
Caya, gaua nang malaquing cahihiyan, capagura,t, calumbayan niya,i, bangcay na mistula ang caniyang anyo, nang siya,i, dumating dito sa bayan. ¡Caunting namatay na patuluyan si Felicitas, nang maquita niya ang caaua-auang lagay nang caniyang inda!