United States or Hungary ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang may isáng bowan n~g nagsasama ang magcaibiga'y nagpaalam si Rizal cay Blumentritt, at canyáng nilibot ang m~ga ciudad n~g Praga, Bruna, Viena, Nuremberg at Munich. Dumating sa Ginebra n~g m~ga unang araw n~g Junio, doo'y nátirang sandalî, lumipat sa Losana at doo'y tumiguil na iláng araw, sacá nilibot ang m~ga pan~gulong bayan n~g Suiza at pagcatapos ay naglacbay sa Italia, nilibot namán niyá ang boong caharìang iyón; n~guni't malaon ang canyang itiniguil sa Milan, Venecia, Florencia, Roma at Génova. Mulâ sa Génova'y na pasa Marsella, at buhat dito'y lumulan siya sa vapor "Diemnah" na patun~go sa Saigon n~g bowan n~g Julio n~g 1887, at pagdating sa Saigon ay lumulan namán siyá sa vapor "Haiphong" na patun~go sa Filipinas na ang conciencia'y tahimic, samantalang nan~gagcácagulo namán ang m~ga fraile't castíl