United States or Tajikistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nariyan ang ikinatataas n~g m~ga buwis n~g lupa, ikinataas n~g Rentas Internas, ikinataas n~g m~ga bayad sa pahintulot o lisensiya munisipal. ang paglastay n~g salapi sa ibang bagay na di sa kagalin~gan n~g m~ga namamayan, ang di pagpapagawa n~g m~ga bangbang n~g tubig sa m~ga bukirin ibp. na, ang lahat n~g iyan ay pawang sa pananagutan at kasalanan n~g ating m~ga inihalal na diputado at m~ga konsehal.
Ang iba'y m~ga bankáng lulanán n~g kanilang m~ga kalakal na m~ga isinasadsad cung gabi sa m~ga pasigan at baybayin, at ang iba sa m~ga ito ay malakílalakí na iisahing layag at taganás na tablang pinapagduopduop. Ang m~ga ito ang canilang ginagamit sa m~ga ilog at bangbang na nan~galoloob sa lupain.