United States or China ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang hari'i, di macagalao sa catre niyang hihigan, at di naquiquilalang tunay ang anác na minamahal. Ay sa uala ring magbadyá na magsabi sa caniya, ang ibong na sa jaula ay nangusap capagdaca. Namayagpág at naghusay nag-linis na nang catauán, balahibo'i, pinalitao anaquin ay guintong tunay. At nagcantá nang ganitó abá haring don Fernando, quilalanin mo ngang totoó ang naninicluhod sa iyo.
Itinanong si don Juan. nang hari nilang magulang, sagót nang dalauá naman di po namin naalaman. Nang ito'i, maringig na ang sabi nilang dalauá, ang saquít ay lumubhá pa nitong daquilang monarca. Saca ang ibong marilág balahibo'i, nangu-ngulág, di magpaquita nang dilág sa haring quinacaharap. Ang uica nang hari bagá itó ang ibong Adarna, anong samá nang hichura sa ibong capua niyá.
Salita Ng Araw