United States or Seychelles ? Vote for the TOP Country of the Week !


Isang bagontauong lahing guinoo, anac nang mababait na magulang, na hindi nagpabayá munti man sa pag aalagá, nang tumibay sa loob niya ang tacot at pag ibig sa Dios, ay parating nananalan~gin, nang matutong pumili nang estado, ó calagayang mararapat sa caniya, at naquilalang magaling na siya ay dapat mag asaua; at itinuloy nang malaquing nin~gas nang loob ang caniyang man~ga devociones, at minsan isang lingó ay dumudulog sa Confesion at sa Comunion.

Isang arao naguing cailan~gan ang siya ay maquipagquita sa isang babaying may dalaoang anac na dalaga, na paraparang mabait, at masunurin sa man~ga utos nang Dios, at pagcaquita niya sa dalaga, ay nacaramdam n~g tugtog sa loob, na isa sa canila ang itinalaga nang Dios, na maguiguing asaua niya, at madaling pumayag ang ina, niyong siya ay namanhic, yayamang naquiquilala ang cabaitan niya: at nagpatotoo naman ang dalaga, na siya ay malaon nang humihin~gi sa Dios nang mabuting cacasamahin, at pagcaquita niya sa bagontauong iyon, ay naquilala na siya ang ibig nang Dios na maguing esposo niya.

Naquilalang magaling nang bagontauong nababanguit sa salitang ito, na sa Lan~git nangagaling ang mabuting pagsasama nang man~ga mag asaua, at iniamó arao arao cay San Josef na siya ay pagcaloobang macaquita nang babaying may loob sa Dios, at marunong lumaban sa man~ga tucso.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap