United States or Qatar ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Sa abang-aba co! ¿caya,i, napasaan ang calulua nang sauing capalaran, saan cundi doon sa Infiernong bayan ang sagot n~g voces na umalin~gawn~gaw? Magpahangang sa caibutura,i, taos nang pusò, at tantong ipinan~gilabot, malamig na pauis ay agád sumipot at sinidlan niyong di cauasang tacot.
Na sa harap co na ang lalong maraual, mabin~gís na lubháng lahing camatayan malulubos nan~ga ang inyóng casamán, gayon din ang aquing aalipustaán. ¡Sa abáng-abá co! diatâ ó Laura mamamatáy aco,i, hindî mo na sintá! itó ang mapait sa lahat nang dusa, ¡Sa quin ay sino ang mag-aala-ala!
Salita Ng Araw