United States or Malta ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang maigui sa lahat ay ang paglalaga nang isang dacot nang dahon nang cahel sa dalauang tagayang tubig, at capag naiga na ang calahati, ay inaalis sa apoy, at yao,i, minsanang ipainom sa maysaquit sa umagang-umaga. Cun baga bata ang dinaraanan nang convulsión, nang suba, sauan, ó alferecía, ay babasahin mo ang capítulo 86. Ang saquit na alferecía, na ang tauag sa Maynila doo,i, taon.
Cun ang saquit ay dala nang siya,i, inurun~gan nang bouan, cun baga babayi, gagauin ang bilin sa capítulo 76, cun baga dahil sa pagsibol nang n~gipin, ay cailan~gan doon ang pagsumpit at ang baños hangan tuhod sa malacucong tubig; cun hindi pa natatalo ang saquit, ay parapitan ang bata nang bilin sa número 36, sa ibabao nang licod sa pag-itan nang dalauang balicat; basahin mo ang capítulo 84 at 86.