United States or Uganda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun baga may roon pang naquiquitang matigas doon sa baga, na hindi pa lungmalambot, ay tapalan nang man~ga nacacalambot, na yao,i, ang gatas at ang iba, na itinuro co sa párrafo 248. Cun malinis na at munti ang butas nang sibol, ay bahaui,t, papagcalan~gibin tuloy nang hilas nang lienzo na idoroon sa butas.
Cun ang baga,i, may nana, na caya naalamang may nana, sapagca cun hipuin ang sibol, ay ga nag-aalon-alon ang nana sa ilalim, at gungmagala doon sa loob, at hindi masaquit na para nang dati ang sibol, cun ganoon ang gagauin, ay hihiuain ang sibol sa dacong ilalim nang macaanod ang nana; at houag tumahan doon; datapoua cun minsan ay siyang cusang pumuputoc pag natapalan nang man~ga bilin sa itaas sa párrafo 248.
Ang butas cun pumutoc ay isa, cun minsan; cun minsan ay marami. Ang gagauin agad sa sinisibulan nang baga, ay ang lahat na bilin sa párrafo 240. Saca gagauin ang man~ga turo sa número 248, na yaon din ang iguinagamot sa tiboc.