United States or Lesotho ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bibiguian ang m~ga nahablá sa usap-sala n~g boong-caluagan upang magamit ang m~ga paraang quinacailan~gan nila sa pagliligtas sa canilang catauan sa ano mang calagayan n~g nasabing usap. Catagalan n~g m~ga usap-sala ang anim na buan at pagcaraan nitong taning ay dudusahin nang mahigpit n~g m~ga Capulun~gan ang m~ga Hocom na di magpaquita n~g tunay na cadahilanan nang pagcabalam.
Sino mang nalalagay sa pan~gan~gatungculang-hocom ay di macahihin~gi n~g ano mang upa sa m~ga usap-sala at usap-catuiran at iba't iba pang pag gamit n~g catungculan. Pagcatapos n~g m~ga usap ay babayaran ang costas n~g mahatulang magbabayad nito at ang cabooa'y guguling lahat sa m~ga papel-multá na itatahi sa m~ga sulat-usap.