United States or Côte d'Ivoire ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi ko sinasabing ating paghanapin sa patalim n~g sandata ang ating iguiguinhawa, sapagca't hindi cailan~gan ang espada sa icagagalíng n~g Bayan, datapwa't tutuclasin natin ang cagalin~gang iyan sa pamamag-itan n~g carapatan, sa pagbibigay unlac sa catwiran at sa sariling camahalan n~g isang tao, sa pag-sintang dalisay sa tapat na asal, sa ano mang bagay na mabuti at sa ano mang cadakilaan hangang sa ihayin ang buhay sa camatayan, at pagca dumatíng na ang Bayan sa gayong mataas na calagayan, ang Dios ang sa canya'y nagbibigay n~g sandata at nabubulíd ang m~ga nagpapasamba, nabubual ang m~ga tampalasan, catulad n~g pagcalansag n~g m~ga bahay bahayang baraja.
Salita Ng Araw