United States or British Indian Ocean Territory ? Vote for the TOP Country of the Week !
Lumalaki ang Cruz sa Tunasan, datapuwa't pumapawis naman ang sa Matahong; alin caya sa acala mo ang lalong mapaghimala? Nag iisip-isip ang tía Isabel, iguinalaw ang ulo at bumulong: Paglaki ... lalong malaking himala ang lumaki cay sa pumawis: nagpapawis tayong lahat, n~guni't tayong lahat ay hindi lumalaki.
Nararatay sa banig at may sakit si María Clarang caluluwa n~g bahay; nababasa ang canyang calagayan sa lahat n~g m~ga mukha, tulad naman sa pagcabasa sa pagmumukha n~g isang tao n~g m~ga dinaramdam n~g canyang caluluwa. ¿Ano ba sa acala mo Isabel; sa Cruz sa Tunasan ba aco maglimos ó sa Cruz sa Matahong? ang marahang tanong n~g nababalisang ama.