United States or Tajikistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Icao rin ang magsabi, at mayroon canamang mata, tayiñga at pag-iisip na paris co. Di baga totoo itong aquing sinasalita sa iyo? Houag, pó, ang sagot ni cabezang Dales, houag póng maguing casiraan nang puri nang capoua tauo; datapoua,t, ay totoong-totoo ang inyong sinasalita, at siyang naquiquita co, at naquiquita nating lahat dito sa bayan.
¡ Seguro , po, ang uica co cay tandang Basio, seguro , po,i, iyang lahat na sinasabi ninyo,i, pauang paghihinala nang inyong loob! Hindi, pó, paghihinala nang loob co itong aquing sinasabi cundi mañga catotohanang maliuanag na maliuanag, na siyang naquiquita nang aquing mata, at naririñgig nang aquing tayiñga.