United States or Ghana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang sino mang piitin ay ibibigay pagdaca sa Hucom na may capangyarihan, at ito'y siyang magmamacaalam sa ilalim nang boo niyang pananagot na huag gamitan ang napipiit n~g ano mang gauing pagpapasigao at pagpapahirap at agad-agad susugpuin ang ano mang maquitang paglabag sa capurihan at mabuting pinagaralan.
Pipilitin na sa Hocbong cati at Hocbong dagat at sa m~ga Pan~galagaan ay tingnan n~g m~ga Puno ang canilang nasasacop na parang tunay na anac, cayá susugpuin n~g ualang aua hindi lamang ang paglabag sa Puno cundi naman ang masamang pasunod sa m~ga sacop.
"Ah!... Pag ganyán nang ganyán, kapag di napútol ang mga ganyang gawâ, kapag ang mga nasaitaas ay di susugpuin ang kanilá ding kasagwâan, kapag ang mga daing, hibik at sigaw ng nanga saibabâ ay di didinggín... oh! ¿sino ang makapagsasabi, kapág nagkagayón ná?.... ¡Maaárì na ang Bayang iyan na ulirán sa pagtitiis, ay di makabatá sa anták ng sugat!!... ¡Maaárì na ang Bayang iyan ay mabúlag sa laot ng kanyang pagkaamis!!... ¡Maaárì na siya'y makalimot sa sarili, makalimot sa Diyos, makalimot na siya'y mahin