United States or Saudi Arabia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dito co nabatid cung saan nagbuhat, cung saan sumupling ang lumbay n~g lahat, pagca,t, natanto co ang fraileng dulin~gas ay binubusabos Inang Filipinas. At tuloy dinalao itong ala-ala niyaong ualang n~galan na aquing naquita asal na mahalay guinaua n~g cura sa isang mag-inang ipinahamac niya.
Caya n~ga,t, ang unang sumupling sa bait na hinog na bun~ga sa tangcay n~g saquit alay co sa iyo at pag-asa'y labis na ito'y sacsi rin n~g aquing pag-ibig. Yayamang dugo co, catauan at buhay, talagang iyo na, ¡oh! Ina cong bayan! bulaclac n~g isip ay ibig co namang ilangcap sa aquing sa iyo'y pagdamay.
Salita Ng Araw