United States or Wallis and Futuna ? Vote for the TOP Country of the Week !
Lalong nagibayo, lagablab n~g poot, ang daing at sumpa'y di malagotlagot «¡Inang walang puso, Tuning na nagtaksil sa anak n~g irog dapat kang mamatay, dapat kang matapos! Diyata't masarap sa puso'y matamis anak mo'y pataying sa ilog ihagis, maturan na lamang ikaw ay dalagang may puring malinis, nang upang giliwin n~g bagong ninibig.....
Julieta'y sa Pari ang laman n~g layon "sa bagong hilahil ay biguian n~g tulong; n~gunit cun di caya ang paraang ucol siya'y pagcalooban n~g masidhing lason; Pagcat ito, aniya, ang huling calasag sa caauay sinta ang mag-ad yang dapat, at cung ito'y sala sa lan~git na atas ay lalo ring salang sa sumpa'y payurac.
At kanyang kinalong n~g hanggang sa bayan upang ipakuha n~g isang larawan; subali't ang loob ay di mapanatag kahi't bahagya man; ang daing at sumpa'y walang katapusan.... Sa ilog ding yaon na kinasagipan ni Osong n~g kanyang bunsong minamahal, ang magamang Tuning minsan ay nagaliw sa masayang pangpang na siyang sumaksi sa lihim n~g buhay.