United States or British Indian Ocean Territory ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cayo, na, pó, ang aquing sabi cay tandang Basio, cayo na, po, ang bumasa, at paquiquingan co. Salamat, pó, cung siya ang inyong gusto . Subali,t, bago cong sapulan ang pagbasa nito,i, mayroon, po, acong ipahahayag sa inyo. Cayo, pó, ang bahala; at aco,i, ayunayunan sa inyo.
Ang ibig co, pó, lamang ay matalastas co ang laman niyang casulatang hinahauacan ninyo; caya, cung baga minamatapat, pó, ninyo, ay inyong sapulan na. Cung ganoon, pó, ay inyo, pong paquingan, at aco,i, sasapol na.