United States or French Guiana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang kaharian mo'y iyang kagandahan, Ang m~ga buhok mo't matang mapupun~gay, Ang paa't pisn~gi mo ay siya mong yaman. Sa dalang ugali, ikaw'y isang birhen, Kamia ka sa ban~go't sa pagkabutihin, Sa hinhi'y sampaga't sa ganda'y... tulain. =Ang mga buhok mo=... Tu pelo es una nube del Oriente . Salvador Rueda.
Kayo ang berdugong may bihis-pagsuyo N~guni't iyang loob ay pagkasiphayo. Ang sabik sa ban~go n~g isang sampaga't Ang uhaw sa puri n~g isang dalaga'y Siyang sumusunog sa kanyang pagasa't Siyang nagsasabog niyong m~ga Troya. Dakilang bulaklak: Ako'y naniwala Na ang nagawa ko'y kahiban~gang pawa, N~gayon ko natantong birhen kang dakila, May wagas kang puso't banal na akala.
Huwag nang ituring na ako'y kalaban pagka't nagbago na ang aking isipan, ang puso ko n~gayon ay naliwanagan pa kislap n~g iyong mahalagang aral. Dapat nang lumaki ang iyong pagasa sa pagliliwayway n~g bagong umaga, ang daan mo n~gayo'y puno n~g sampaga't ang daan ko'y puno n~g tinik at dusa.
Salita Ng Araw