United States or Ethiopia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ang capacialan ay isang guinoó ó mahal, ay houag man~gun~guna, ó umagapay caya, cun di magpahuli nang munti, houag namang tumiguil cun di sila ang magpauna. Cun pipihit at babalic sa pinangalin~gan, ay houag magpapauna, at cun pipihit na,i, houag tatalicuran.
Cun tatlo ang nagpapacial, at magbabalic at pipihit na lahat, ang paguiguitna ay ang quinacanan nang nangaling sa guitna: cun nagcaca-apat, ang paguiguitna,i, ang dalauang na sa tabi; n~guni, magin~gat sa pagpihit, at houag talicoran ang capacialan. Ang reglang itó, ay susundin maguing sa bahay at sa lansan~gan man nagpapacial.
Cun ang nagcacasama ay tatlong di magcaisang uri, capala pa,i, di ang mahal sa lahat ang iguiguitna, at cun baga sa lansan~gan nagpapacial at pipihit na lahat, ang mataas ay ilalagay sa acera, ó sa tabi nang bacod, ang paguiguitna,i, ang pan~galaua niya sa uri.