United States or Finland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Siya'y isang tangi cung sa cabaitan at ulíran naman cung sa cahinhinan, nang tanang babae, nang casalucuyang siya ay dalaga't nang mag-asaua man. Caya cailangang pacatatastasin yaong buhay niya't nang iyong malining, mulang puno't dulo'y iyong pasayurin at nang upang iyong matantong magaling.
Magandang adhicang lubos na panimdim ni Clotilde'y di co lubhang pasayurin, ang Condeng nagbigay nang regalong sinsing ay napaalam nang toua ay sabihin. Nang siya'y dumating sa Reyno n~g Francia ang uica sa Hari icaw po'y magsayá, pagca't ang larawan mo po'y tinangap na nang pinaglacbay cong irog mong Infanta.