United States or Andorra ? Vote for the TOP Country of the Week !
FELIZA: Cun icao ay maquiquipaglipon, ay pagiisipin ang sariling calagayan ang sa quinacaharap, ang caniyang asal at caugalian, at ang lugar na pinaguusapan; cun ang lahat nang ito ay hindi limutin sa paquiquipagharap ay di masisinsay ó masinsay man ay munti lamang, sa man~ga cautusang guhit nang paquiquipagcapoua tauo.
Nauucol disin na ituro nang magulang, ó maestro sa escuela ang pag bebendición sa dulang, ang pagpapasalamat sa Dios, sa man~ga bata, gayon din naman ang magandang cahatulan na isinulat co, sa iyo Feliza, laquing caligayahan ang aquing cacamtan, cun si Honesto,i, maquita co, na marunong maquipagcapoua tauo at sa paquiquipagharáp sa puno sa bayan, sa man~ga sacerdotes, sa matatandá, maguinoó, sa capoua bata, at itinutunton sa guhit ang asal, quilos at pan~gun~gusap.
Sa paquiquipagharáp, ay mabuti ang nagmamasid sa quinacausap, at cun macaquita nang mabuting asal sa iba, at sa iba,i, cahan~galan, ay dampotin ang cabaitan at itapon ang casamán n~guni, ang nagcamali ay houag alipustain, sapagca,t, ang magpautang nang masama, malao,t, madali ay pagbababayaran.