United States or Antigua and Barbuda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Maanong sa ngayon ay idulot mo na at kung hihintayin mo pa ang bukas, oh! Leoning, sa aba ko ay wala na! Tila isang libingang napakapanglaw ang kahihinatnan ng palad ko. Kaya, kung may paglingap ka ay igawad mo na ngayon sa akin. Ang ganitong mga pangungusap na binigkas ni Eduardo ay parang lubos na tumagos sa kaibuturan ng puso ni Leoning.
Ñgayo,i, naquiquita co, na dito sa Maynila,i, naririto ang civilizacion . Ñgayo,i, naquiquilala co, na ang ating mañga ugali diyan sa ating bayan, ay malayong-malayo sa mañga ugali nang tauong civilizado . Caya ang pananamit, ang pañguñgusap, ang paqiquipagcapouatauo, ang mañga quilos, at ang iba,t, iba pang asal nang mañga tagarito,i, malayong-malayo sa naquiquita nati,t, inaasal diyan sa canitang bayan.
Dangan nga lamang naman ay hindi pa rin niya mapaniwalaan pagka't ang tinig ng pangungusap ay iba at hindi tila boses ni Leoning. Nguni't aywan din natin. Maaaring sa mga gayong pagkakataon ng halakhakan ay magbalat-kayo ang lahat: pati tinig ay maaring magbalat-kayo. Nguni't si Leoning nga kaya yaon?
Salita Ng Araw