United States or Spain ? Vote for the TOP Country of the Week !
Wala, kundi maghari ang lakás n~g m~ga batás sa ibabaw n~g sawing-palad na tumupad sa atas n~g isang dakilang mithi ... at pagkatapos, ay maging dahil pa n~g m~ga pagpula sa gumawa; maging sadlakan n~g paguyám at tagurian pa n~g mamamatay , unang-una na noong m~ga makikinabang sa huli sa mabuting bun~ga n~g gayong pagpatáy.
At doon natapos yaong kaguluhan na noong umaga'y isang kasayahan; sa bibig n~g madla, pagpuri't pagkutya, pagbunyi't paguyam ang namumulaklak na lipatlipatan. Hanggang sa lansan~gan, noo'y sumabog na balitang masaklap, mapait na bun~ga n~g han~gad sa yaman; ibang makamatyag lihim na tatawa bago tutuguning «¡Nasawing Pagasa!»