United States or Lesotho ? Vote for the TOP Country of the Week !
At sino ngâ namán ang di magágalák, alíng pusò ang di lálakasán ng tibók, kanínong damdámin ang di mapupúkaw sa lílim ng mapanghalina't malalagkit na títig, at sa halík ng bangóng núnukal sa mga sutlâng talúlot ng mga gayóng "bulaklák ng búhay" na doo'y naliligò sa mahínhing liwanag ng mga "Reina de las luces"? At sinong mahiligin sa sayáw ang makukuhang magtulug-tulugan, kaninong mga páa ang mapapakalí sa gayong idinulásdulas ng sahíg na binudburán ng pirápirásong ballena, sa inihabá-haba't inaluwang-lúwang ng pagsásayawáng salas sa anyáya ng malalambíng na tugtúging handóg ng orkésta?
Salita Ng Araw