United States or Uganda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tungkol sa hiling mong kita'y pagpayuhan sukat hangang dito ang kaya ko lamang at ang dakong hulí n~g káhihinatnán ay wala sa aki't ikaw ang may tan~gan. Kaya hangang dito't asahang kalakip sa makakayanan yaring aking dibdib n~guni't sa tadhana n~g Haring pag-ibig sarilinan tayo n~g mapagsasapit.
Sapagka't ang dahás n~g Haring pag-irog ay dí gumagalang at dí natatakot, walang katuirang ina-alinsunod liban sa ang nasa lamang ang masunod. Pagpayuhan ka mán n~g lalong matuid ang kalihiman mo'y hindí rin didinig lunas na pagpulhan n~g itatahimik ay ang katutubong sarili mong bait.