United States or Dominican Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !
Makaraan ang sandali'y nan~gakapasok ang ilán sa bahay na lolooban, at nagsimula ang pagkakagulo, sapagka't ang m~ga alilang nabiglaanan sa gayón ay walang ibáng ginawa liban sa tumakas; n~guni't hindi nan~gakalayo ang m~ga nagulat na utusan, sa dahiláng sila'y nádakip n~g m~ga na sa labás nang bahay, kaya't nagíng saksí siláng lahát sa pag-uutos ng binatang nan~gan~gabayo na pagpapadin~gas n~g bahay, nang makitang ang m~ga nagsipasok ay lumabás na may dalang tigiisang balutan.
Sa haráp n~g gayong mainit na kilusán, si Mauro, ang bagama't bata sa tanang m~ga kasama sa paggawa ay kina-aalang-alan~ganan n~g marami sanhi sa taglay na maran~gal na ugali at iniiwing kaunting talino, sa harap n~ga n~g gayong pagkakagulo, ay boong siglang tumayo at sa madla'y sinabi: Mga kapatid; kayo'y pumayapa. At ang lahat ay natahimik.
Narinig nila, na ang nagsasalita ay si Mauro; si Maurong tuwituwina'y kanilang iginagalang. Ang pagkakagulo ay nahusay at ang lahat ay humandang makinig. At si Mauro, sa harap n~g gayong katahimikan ay nagsalita: M~ga kamanggagawa: anya sa buháy na tinig.
Salita Ng Araw