United States or Comoros ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dí nilalang ñg Dios upang maalipin, dí binigyan ñg isip para pabulag, at dí hiniyasan ñg katuiran at ñg maulol ñg iba. Hindí kapalaluan ang dí pagsamba sa kapuá tao, ang pagpapaliwanag ñg isip at paggamit ñg matuid sa anomang bagay. Ang palalo'y ang napasasamba, ang bumubulag sa iba, at ang ibig paniigin ang kanyang ibig sa matuid at katampatan. Ang ika-pito.
Duag at malí ang akalá na ang bulag na pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang mag isipisip at magnilay nilay. Ang kamangmañgan'y, kamangmañgan at dí kabaita't puri. Di hiling ñg Dios, punó ñg kataruñgan, na ang taong larawan niya'y paulol at pabulag; ang hiyas ñgisip, na ipinalamuti sa atin, paningniñgin at gamitin.
Salita Ng Araw