United States or São Tomé and Príncipe ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun humiguit sa dalauang pu at limang libo hangan limangpung libo ay dalaua; paglampas n~g limangpu hangan pitongpu at limang libo ay tatlo; cun lumampas pa dito hangan isang daang libo ay apat; at lima cun lumabis pa n~g paacyat. Ang calabisan sa man~ga naturang bilang ay di macadadagdag n~g Tagatayo cundi umabot sa isang libo man lamang na umaambag na may carapatan.
Bauat nayong bumilang n~g limangpung mamamayang may carapatan ay pipili n~g isang matanda; paglabis sa limampu hangan isang daan ay dalaua; mahiguit sa isang daan hangan isang daan at limampu, tatlo; mahiguit na isang daan at limampu hangan dalauang daan, apat; at lima pag labis sa dalauang daan na paacyat.
Ang man~ga bayang di macaabot sa isang libong mamamayan na may carapatan ay pipili n~g isang catiuala lamang; cun lumabis sa isa hangan limang libo dalaua; tatlo cun lumampas hangan sampung libo; apat cun lumampas pa hangan labinglimang libo: at lima cun lumabis pa nang paacyat.
Salita Ng Araw