United States or Mali ? Vote for the TOP Country of the Week !
Agad niyang sinungabán sa paa'i, agad tinangnan, guinapos niyang matibay nang cintas na guintong lantáy. At bumabá nanga rito ang príncipeng sinabi co, itong ibong encantado dinalá, sa ermitaño. Sa ermitañong quinuha mahal na ibong Adarna, inilagay nanga niya sa mariquit na jaula. Ang uica nang ermitaño itong bangá ay dalhin mo, madalí ca at sundin mo ang ipinag-úutos co.