United States or Kyrgyzstan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dahil sa ang ibig niya ang isang castilang hindi napacapiláy, hindi totoong utal, hindi lubháng upawin, huwag napaca bun~gi ang m~ga n~gipin na huwag mapacalabis ang pananambulat n~g laway cung nagsasalita, at magcaroon sana n~g lalong malaking licsi at "categoria", na gaya n~g caraniwan niyang sabihin; n~guni't ang ganitóng m~ga bagay na castila'y hindi lumapit cailan man sa canyá upang ipakiusap na sa canya'y pacasal.
Tingnán pô ninyó, ang sabi n~g taong nanínilaw samantalang pinipihit ang "manubrio;" tingnán pó ninyó, ñor Juan, cung di sa lacás co lamang ay laking naitátaas at naibábabâ ang calakilakihang bató.... Nápaca buti ang pagcacaanyô-anyô, na áyon sa maibigan co'y aking naitátaas ó naibábabâ n~g isá n~g isáng dálì, at n~g magawâ n~g boóng caal-wanan n~g isáng táong nasasailalim n~g hûcay ang paglalapat n~g dalawáng bató, samantalang aking pinan~gan~gasiwáan búhat díto.