United States or Somalia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ikaw naman Kulás ay pasasa simbahan at magpapa algunias, sabihin mo sa kay Pari Teban na ako'y pag oracionan. At ganoon n~ga ang guinawa. Sabihin pa ang pagkapamanghâ n~g marami sa mapagtantong ang namatay ay si matandang Tasiong Sistidor, lubha pa n~g m~ga nakakita sa kanian sa anihan, n~g araw na yaon. Ang bankay nia'y inilagak na lamang sa silong n~g Casa Real ayon sa utos n~g Kapitan.
Oh!....ang pagkamanhâ n~g m~ga dalaga na siang pinagtuluyang inumpukan ni Juan sa pagkaupô, na ang makapiling n~ga nia'y pilit umiilag. Ang palagay n~g lahat ay ul-ol ang dumating, n~guni't ang palagay naman n~g Kapatid na lalaki n~g ikakasal na dalaga ay nag uulol ululan lamang, kaya galit na galit, at kundi n~ga napagpayó ay marahil nasaktan sana na walang pagsala ang atin n~gang si Juan, sapagka