United States or Luxembourg ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang paimbabaong caguinahauaha,t, capayapaan nang mag-anac ni cabezang Andrés, ay hindi natagal. Si Próspero, na nararatihan na sa mañga layao nang catauoan, ay nabibigatan siyang totoo ñgayon at nahihirapan sa pag-aararo, sa pagtaga nang cahoy at cauayan, sa pagpaparagos, at sa iba,t, ibang trabajong caraniuang gauin nang caniyang ama na si cabezang Dales.
At ang lalong caguila-guilalas dito,i, hindi na siya nagsasalual sa mañga gauang ito, cundi mañga putol lamang. ¡Subali,t, itong casipagang ito,i, hindi natagal! ¿At sa di gayon? ¡Uala na siyang quinatatacutang ama! ¡Ang caniyang ina at capatid ay hindi niya quina-aalang-alañganan nang munti man! At ang lumalalo sa lahat: ¡ay ualang-uala sa caniyang calooban, ang pagbabalic loob sa Pañginoon Dios!
Salita Ng Araw