United States or Chile ? Vote for the TOP Country of the Week !
Oras n~g hapunan n~g mangyari ito na aquing sinabi na pagcacaguló caya ang guinaua n~g Fraileng pan~gulo sa justiciang bayan ay napasaclolo. Dahil sa marami ang Fraileng nasactan may bali ang butó at may nasugatan; caya yaong habla umano sila rao ibig na patain nang tanang colegial.
Gayon din ang tanang man~ga Presbítero na pauang linupig man~ga fraileng ito sampuo niyaong ibang man~ga filipino, cay P. Burgos din ay napasaclolo. Sa nangyaring ito itong ating Burgos hindi nagmalaqui't pinaquingang lubós, ang sa tanang Fraile at man~ga tagalog man~ga paquiusap sa gayong inabot.
Salita Ng Araw