United States or Djibouti ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ang hinihin~gi, sa atin nang capoua, maguing camaganac man at caibigan, ay sinsay sa matouid, ay di dapat pahinohod cahit ipagdalang poot at icasira man nang pagiibigan Sinasalitâ sa historia, na si Rotilio, ay pinaghinanactan nang isa niyang caibigan, dahil sa di napahinohod sa isang di tapat na cahin~gian caya pinan~gusapan nang caibigan at uinica: ¿ano ang capansanan nang pagibig mo sa aquin, cun di ca macapagbibigay loob sa hinin~gi co? ang gayong pan~gun~gusap na may hinanaquit ay sinagot ni Rotilio nang tapát: aanhin co ¿naman ang iyong pagibig cun maguiguing daan na ipipilit mo sa aquin sa paggauâ nang di catouiran?