United States or Gibraltar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang malapit na si Sisa sa m~ga catacot-tacot na m~ga táong yao'y nagpalin~gaplin~gap sa magcabicabíla at nagcóconowáng hindî niyá nakikita ang canyáng inahing manóc na pumípiyac at humihin~ging sáclolo. Bahagya pa lamang nan~gacacaraan sa canyáng tabí ay nag-acála siyang tumacbó, n~guni't piniguil ang tulin n~g canyáng paglacad n~g pagiin~gat na bacâ siyá'y máino.
Tinacpán n~g panyô n~g culang pálad na iná ang canyáng mukhâ at piniguil ang pag-iyác. Pagdatíng niyá sa dâan, sa pag-aalinlan~ga'y nagpalín~gaplín~gap sa magcabicabil