United States or Belarus ? Vote for the TOP Country of the Week !
At hindi pa iyan. Ibabalita n~g isa, na, may nalalaman siyang isang kakilalang naglihi sa isa sa m~ga artista n~g isang pelikula at dahil doo'y ginabigabi ang pagpasok sa alin mang sineng pagtanghalan sa kanyang "favorito"; nagbuntis halos sa loob n~g sine, at nan~ganak, oo, Kasamang Delio, nan~ganak sa loob din n~g kamalig n~g isang sine, bagay na masasabing isang tunay na "barbaridad" na hindi makikita sa ibang bayan.
Ang anak n~g naglihi sa nasabing artista, ay naging isang pusakal na alagad n~g sinematograpo hanggang sa lumaki. Inilarawan din ni Pepe sa kanyang dula ang ukol sa karaniwang napagkikita natin, na ang sine ang siyang ginagawang paraan sa pagtatanan n~g m~ga anak na napakakasal n~g hindi pa oras. At isa pa, ang lalong kriminal, ay ang ukol sa m~ga pagnanakawang parang itinuturo sa m~ga nanonood.