United States or Togo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hinan~go sa palloc niyong maluto na saca pa naalman~g man~ga balat pala, ang uica sa anác ay cun baquin baga man~ga ualang laman ano,t, nanglimot ca. Sa dalauang matá luha,i, bumalisbis nalumbay ang loob at siya,i, tuman~gis, boong acala co at lulan nang dibdib may ma-iuulam ang esposong ibig.

Anác ta,i, nanaog n~g macacain na sumusunod acong na sa huli niya, uala siyang malay at di naquiquita naalman co yaon na tahanan niya. May cahoy na Betis san~ga,i, malalabay sa loob nang puló na pinalinisan, sa cahoy na yaon siya ay nag lagay man~ga baguing hagting parang oyayihan.

Ang iná ni Juan tantong nagtataca sa man~ga sinaysay tungcol sa cartilla, ganitong cabata,t, di nag-aaral pa ano,t, naalaman tanang significa. Anhin co ang letra,t, siya,i, tinuruan caya naquilala ang man~ga pan~galan, ay baquit naalman dalang cahulugan sulat na cartilla quinapapalagyan.

Saca uiuicaing ¿ano caya ito? saan nangagaling itong aquing bunsó, sa touing cacain lamang paririto ni anoma,i, hindi paquinaban~gan co. Matapos cumain guinaua nang iná inaban~gan niya cun saan pupunta, iná,i, sumusunod na sa huli niya natanto,t, naalman ang tahanang sadyá.

Salita Ng Araw

pagtanungan

Ang iba ay Naghahanap