United States or Hungary ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapuwa't kinacailan~gang sumang-ayon cayó sa pan~gan~gailan~gan n~g lalarong timban~gang tao, cahi man lubhâ ang capintasan at m~ga caculan~gan nitó ang itinutol niyá. Cahi't anóng dami n~g m~ga kinacatawán n~g Dios sa lupa'y hindî mangyayarî, sa macatuwid baga'y hindî sinasabi n~g boong caliwanagan ang canyáng pasyá upang mabigyang cahatuláng ang yutayutang m~ga pagaalit-alít na ibinabalangcás n~g m~ga hidwâ nating budhî. Nauucol, kinacailan~gan sumasacatwirang manacanaca'y humatol ang tao sa canyáng m~ga capuw