United States or Australia ? Vote for the TOP Country of the Week !
AMADEO AT FELIZA: Ang catungculan nang magulang sa pag cacalin~ga sa anac, cun di mamatamisin sa loob at patutulong sa Dios, ay mahirap tupdin, at pag di natutuhan ay palaguing ¡ay! ang mabibitiuan nang ama at nang ina.
Na sa capanahonan ay inyong pagsaquitan, at ang aral na ito,i, casabáy nang gatas na ipasuso sa anac, pasundan nang mabuting halimbaua, halimbauang sa inyo,i, maguisnan, at maquiquita ninyo na ang magandang aral ay maguiguing magaling na asal na di mabibitiuan cun di casabáy nang búháy.
Sa caraniuang paghaharap nang dalaga,t, baguntauo, ang catauan ay nagcalapit, nagtatama nang mata,t, nagcacaabutan nang sabi; ay at ¡ilan cayang panimdim na laban sa calinisan ang bucal sa isip! ¡ilang masamang banta ang magaling sa puso! ¡ilang bucang bibig ang mabibitiuan! ¡ilang masamang quilos ang magágaua nang binatá na pauang panglugsó nang puri nang isang dalaga!