United States or Turks and Caicos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Samantalang ang kaawaawang si Daniel ay walang iginaganti naman sa asawang mananaog kundi mga ngiting lipos ng paggiliw. Datapwa't nang umagang yaon na si Leoning ay may iba nang kilos na nakatawag ng kanyang damdamin ng pansin ay ang ngiting kanyang damdamin pansin ang ngiting kanyang iginanti sa asawa ay waring isang ngiting balot ng hiwaga.

Datapwa't ang mga kilos ni Leonora nang umagang yaon ay siya ngang napansin niya na sa pagkapansing yaon ay nagkaroon siya ng masamang kutob ang loob. Ngayo'y naninibugho ang kanyang damdamin sa dahilang iba't iba ang nakikita niyang kilos kay Leoning. Waring napansin niya ngayon ang lahat.

Kaya sa pagtawag na iyon ng pansin ng kanyang loob ay tinangka niyang sundan at subukan kung totoo nga ang mga ginagawang pagtatapat sa kanya. At, pagkapanaog na pagkapanaog ni Leoning na noon ay sumakay sa isang karumata ay nanaog din siya upang ang asawa ay lihim na sundan.

At, sa pagiisa ni Leoning ay sumagi sa kanyang alaala ang kanyang naging kasuyuan. Kulang palad na Eduardo! Kaya nagmuni siya sa sarili. Diyata pala at naglulubha ang nagi niyang kasuyuan na di niya namalayan agad? At, sa pagmumuni niyang yaon ay naisipang dalawin ang binatang nagi niyang kasuyuan kahapon. Nagbihis upang gumayak at kusang dalawin ang kanyang naging irog.

Ang mga sandaling yaon ay siyang huling gabi ng kanilang paguusap, at kung maulit man ay maluluwatan na pagka't sa kinabukasan ng araw na yaon ay patungo ng Maynila, si Eduardo, sa dahilang panahon na naman ng pagbubukas ng mga paaralan. Hindi na niya maaaring magawa pa ang dating pagdalaw kay Leoning na walang liban tuwing hapon.

Parang may sindak, nguni't sa harap pa ba kaya naman ng isang kasintahan masisindak at waring matatakot? Isang hiwaga ang ganito! Sila'y magkapiling ni Eduardo. Ang kanilang mga puso ay parang nangapiping ilang sandali sa dahilang tila tumagos sa puso ng binibini ang pangungusap na binigkas ng binata. Ang huling katagang binigkas ni Eduardo ay parang nagdulot sa puso ni Leoning ng isang pagkaawa.

Ang pagsakay sa auto ay hindi niya ginawi sapagka't kung sasakyan niya ang kanya ring sariling auto ay baka sakaling maalaman ni Leoning na siya ay sumunod. Maaaring mamalayan nga naman sapagka't kung siya ay nasa likuran ni Leoning at mamamalas ang kanilang auto ay mababatid ni Leoning na siya ay sinusundan ng asawa.

Lalo at lalo ba waring sa puso niya ay nagsisidhi ang maalab na nasa na hwag limutin ang kanilang kahapon ni Leoning na di makatkat sa kanyang puso at alaala. Makailan nang tangkain ng ating binata ang gawang lumimot datapwa't lalo at lalong sa damdamin niya ay hindi malimutan. Hindi malimutan ang lahat, bagkus nananariwa sa kanyang puso na ang mga nakalipas ay gunitain.

Hanggang hukay na ngayon ay hindi pa dumarating ang tadhana ay naglaho agad na parang nilamon ng ulap. Leoning, nahan ang puso mo kung gayon? Nahan ang puso mong datidati ay may paglingap? Nahan ngayon ang dating mabini mong kilos, ang iyong kayumiang taglay kahapon? Leoning, nahan ang puso mong noong una ay mabait at tapat?

Huwag mo nang pakialaman ako. Hindi Eduardo, ang sakit mo, ay sakit ko rin. Leoning, lumayo ka na sa akin. Hindi na maaari ang lahat. Eduardo, hindi, asahan mong mahal ka pa sa akin kahit ako ay may asawa. Mahal? oh! Leoning. Maniwala ka. Dahil sa sumpa mong nilimot? Eduardo, hindi ako lumilimot!

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap