United States or Central African Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang unang bugso, ay suma~gui sa aking loob ang isang malaking alinlan~gan; n~guni't dagling napawi at nanagumpay ang mapiling amuki na ako'y magtuloy. Pagdating namin sa loob n~g halamanan ay dinatnang nakaluklok sa isang papag-papagan ang isang binibining nápakahinhín ang anyo, na marahil ay siyang pinan~galin~gan n~g mapanglaw na pag-aawit na aking kináhan~gâan.
Di ko sinawaang panoorin ang mahayap na m~ga daliri at tunay kong kinahan~gaan, ang kainamang tumangap n~g panauhin, na, baga mang di lubhang kilala, ay pinagkaabalahang kawan~gis n~g isang lalong matalik na kaibigan; sa biglang sabi ang kaugaliang mag-alay n~g "hitso" ay kanyang tinupad; n~guni't hindi ako marunong n~guman~g
Salita Ng Araw