United States or Montserrat ? Vote for the TOP Country of the Week !
Diyata't kapuwa ipinamigay mo anang Hari, yaong balutang bigay ko isa niyo'y onza't ang isa ay keso ay ibinigay mong lahat sa sundalo. Ang kahalan~galan mo'y saan ihahangga at di pa binuksan sampu niyong isa di sana ang laman ay iyong nakita't di ipinamigay na karakaraka.
At magbalot naman nang keso de plandes na sa ayos niyong onza ay iparis lihim na gawin mong huwag ipalirip at in~gatang huwag na may makamasid. Kapag nayari na ay dalhan mo dito't huwag kang mabalam at hinihintay ko niyong mabalot na niyong mayordomo dinala sa Hari ang dalawang ito.
Matapos ang bilin ay napaalam na ang binigyan yamang taong taga villa sa kamay ay hawak balutang dalawa at doon sa hagda'y nanaog pagdaka. Pagdating sa lupa'y kaniyang binuksan ang natuklas niya'y ang keso ang laman agad nang kinagat niya at tinikman ang lasa ay tunay na di maibigan.