United States or Yemen ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Oh, pan~galang walâng kasingtamís, Venus na walâng kasinggandá! Nápansín ni Tamád ang ganitóng pagbabago ni Sawî, kayâ't nagpatuloy n~g pagsasalitâ. Akó'y inutusan niyá rito upáng sabihin sa iyóng ... at ang patalím ay untîuntîng ibinaón sa pusò ni Sawî hanggáng sa itó'y dumatíng sa m~ga sandalîng humin~gî n~g tawad kay Tamád sa kanyáng pagkápabiglâ.
¿Nálimot mo na ba? ¿Nálimot mo na ba ang gabíng yaón na ikáw ay máhimláy sa m~ga bisig ko na, minsán, makalawá't maikatlóng AWITIN ang m~ga tagumpáy ni Kupido? ¿nálimot mo na ba ang sandalîng yaón na iyóng isinimsim sa m~ga labì ko n~g walâng kasingtamís na pulòt n~g pag ibig? ¿nálimot mo na ba ang m~ga sandalîng yaóng katasin sa m~ga labì ko ang alak na nakalálasíng ni Kupido? ¿Nálimot mo na ba?
Salita Ng Araw