United States or Canada ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang mga bintî at bisig ay pára-parang naninigás; ang mga dalirì ay tikóm na tikóm, na animó'y may isang sasagupáing kalában. Minsán baltakín nang paibabâ ang kamiseta niyang putê na pigtâ ng pawis; minsáng pag-itíngan nang higpit ang bigkís na nakakabít sa pantalong kake na dahandáhang dumádausdós sa kaluwángan ng baywang.